Sinong tutugis kung pulis ang kriminal?

Sa pandaigdigang araw ng pagbubunyagi ng mga manggagawa, sinalubong ng Philippine National Police (PNP) ng karahasan ang mga manggagawa, magsasaka, opereytor, tsuper, at kabataan na nais irehistro ang kanilang panawagan para sa disenteng trabaho at nakabubuhay na sahod. Sa lehitimong hinaing ng mga batayang sektor, pasismo ang naging tugon ng estado. Daan-daang armadong pulis ang idineploy ng estado upang pigilan ang pagkilos ng masang anakpawis … Continue reading Sinong tutugis kung pulis ang kriminal?

Hindi madudukot ang bukas: Nagkakaisang awit ng Pambansang Minorya sa REV Music Festival

[PARTNERSHIP]

Kasabay ng pag-indak at pag-awit ng iba’t ibang artista’t grupo, itinambol din ang awit ng UP Fair Rev Music Festival ang awitin ng pag-asa ng mga pambansang minorya – pag-asa para sa pagwakas sa lantarang pasismo ng estado, pagtiyak ng kanilang batayang karapatan, at pagkamit sa ganap na tagumpay.   

Continue reading “Hindi madudukot ang bukas: Nagkakaisang awit ng Pambansang Minorya sa REV Music Festival”

Tuloy ang welga: Hanggang sa huli, patuloy ang laban ng tsuper kontra PUVMP

Chaos” at “disaster” daw ang dapat asahan ng publiko sa Enero 1, 2024 ani Bayan Muna Chairperson at PISTON legal counsel Neri Colmenares matapos maisapubliko ang Memorandum Circular 2023-52 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) na nagsasaad ng bagong patakaran ng LTFRB para sa PUV Modernization Program pagdating ng susunod na taon. 

Sinabi ito ni Colmenares nang maghain ang PISTON ng “extremely urgent motion” sa Korte Suprema na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) upang pansamantalang maipagpaliban ang franchise consolidation deadline para sa mga pampublikong sasakyan. Inihain nila ito dahil, anila, patunay ang memorandum na krisis sa transportasyon ang idudulot ng PUVMP sa susunod na taon.

Continue reading “Tuloy ang welga: Hanggang sa huli, patuloy ang laban ng tsuper kontra PUVMP”

Busina ng Komyuter: Si Marcos ang pahirap, hindi ang tsuper!

Sa kabila ng patuloy na pagkontra ng mga tsuper at komyuter, patuloy na iginigiit ni Pangulong Bongbong Marcos na buo na ang kanyang desisyon sa pagpapatupad ng Public Utlity Vehicle Modernization (PUVMP) kung saan kanyang idineklara ang Disyembre 31, 2023 bilang huling araw ng PUV consolidation.

Dahil dito, ilang araw na lang bago ang pag-phaseout sa lahat ng traditional jeepneys na pumapasada upang tuluyan itong palitan ng mga modernong jeepney na tinatayang nagkakahalaga ng halos P2.5 hanggang P2.8 milyon kada-yunit.

Continue reading “Busina ng Komyuter: Si Marcos ang pahirap, hindi ang tsuper!”

Walang kapayapaan sa estadong walang katarungan: “Estado ang totoong terorista,” giit ng mga tanggol-karapatan

Katulad ng 15 pang indibidwal sa Timog Katagalugan, pinararatangang terorista ng 59th Infantry Battalion – Philippine Army (IBPA) si John Peter “Jpeg” Garcia,  UP Student Regent Third Nominee at tagapangulo ng Youth Advocates for Peace with Justice (YAPJUST) – UPLB.

Continue reading “Walang kapayapaan sa estadong walang katarungan: “Estado ang totoong terorista,” giit ng mga tanggol-karapatan”

Sana may puso ang honor and excellence: CSSP majors plead for grad req leniency

“Gusto ko lang sana, magkaroon naman ng puso ang UP for all of its honor and excellence na pino-promote niya sa tao. Naniniwala ako na yung UP, may compassion para sa mga estudyanteng katulad ko,” said Eunice Santiago, a graduating Sociology major who now fears that she will not be able to graduate this year because of circumstances out of her control. 

Santiago, like several other CSSP majors, are urging the University’s Committee on Student Admission, Progress, and Graduation (CSAPG) to waive stringent prerequisite and corequisite requirements that would prevent them from graduating this July. 

Continue reading “Sana may puso ang honor and excellence: CSSP majors plead for grad req leniency”

Lumalawak na presensiya ng pulis sa kampus, ikinababahala

Ikinababahala ng mga Iskolar ng Bayan ang hindi bababa sa 15 na ulat ng panghihimasok ng mga opisyales at sasakyan ng kapulisan sa loob ng kampus ng UP Diliman nitong nakaraang buwan.

Giit nila, malaking banta ang tila lumalawak na presensiya ng mga ahente ng estado sa kampus na maaaring gamitin upang tiktikan at takutin ang mga estudyante, lalo na ang mga lider-estudyante at mamamahayag.

Continue reading “Lumalawak na presensiya ng pulis sa kampus, ikinababahala”

UC to highlight DemGov calls in special meet

The University Council, UP DIliman’s highest academic body, is set to talk about calls for democratic governance and a more collegial process for selecting academic leaders during a special meeting tomorrow, May 15. 

Made up of the chancellor and all of the university’s faculty with the rank of assistant professor or higher, the council will deliberate issues raised about the most recent selection processes for UP President and UP Diliman Chancellor. 

Continue reading “UC to highlight DemGov calls in special meet”